Pangulong Marcos hindi muna magtatalaga ng permanenteng DOH secretary

Pangulong Marcos hindi muna magtatalaga ng permanenteng DOH secretary

Saka na magtatalaga ng bagong pinuno ng Department of Health (DOH) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sandaling maging normal na ang sitwasyon sa COVID-19.

Sa isang panayam sinabi ni Marcos na prayoridad sa ngayon ang maalis ang pag-iral ng public health emergency at state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic.

Mahalaga ito ayon kay Marcos para mabuksan na ang lahat ng mga negosyo at maibalik sa normal ang ekonomiya.

“We have to make the Philippines more hospitable to travelers — both business and tourists — and it does not help if we are still under a state of calamity, if we are the only country that still has mask protocol. … Kailangan pa nating ayusin ‘yun,” ayon sa pangulo.

Sa ngayon sinabi ni Marcos na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maging normal na ang COVID-19 situation sa bansa at mas makahikayat ng investors upang mamuhunan sa Pilipinas.

Noong buwan ng Hulyo ay itinalaga ni Marcos si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge sa kagawaran. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *