Dating SAF commander itinalaga ni Pangulong Marcos bilang PDEA chief
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) commander Moro Virgilio Lazo bilang bagong pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinumpirma ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil ang appointment ni Lazo na isang Ilocano at tubong Laoag City.
Papalitan ni Lazo si Wilkins Villanueva bilang director general ng PDEA.
Si Lazo ay dating hinirang bilang PNP-SAF commander ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Nagsilbi din si Lazo bilang miyembro ng Presidential Security Group sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Samantala nagpasalamat naman si Villanueva sa tiwalang ibinigay sa kaniya para pamunuan ang PDEA. (DDC)