Kalagayan ng 25 pang Pinoy sa Ukraine binabantayan ng DFA
Nakamonitor ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon sa Ukraine matapos magdeklara ng martial law ang Russia sa tinawag nitong “annexed regions” sa Ukraine.
Ayon sa pahayag ng DFA, mayroon pang 25 Pinoy na nananatili sa Ukraine.
Ang embahada ng Pilipinas sa Warsaw, Poland ang nakaantabay sa sitwasyon.
Sinabi ng DFA na nananatili ding operational ang tanggapan ng Honorary Consul General sa Kyiv at patuloy ang koordinasyon sa Philippine Embassy sa Warsaw. (DDC)