Proxy Examinee huli ng NBI; PRC may babala sa mga kumukuha ng pagsusulit

Proxy Examinee huli ng NBI; PRC may babala sa mga kumukuha ng pagsusulit

Isang proxy examinee ang nahuli ng Professional Regulation Commission (PRC) na kumuha ng October 2022 Licensure Examination for Professional Teachers kahit hindi siya ang totoong nagparehistro na examinee sa isang testing venue sa Region IX.

Ayon sa pahayag ng Professional Regulation Commission (PRC), dahil sa pagiging mabusisi ng PRC examination personnel sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng examinees ay nahuli ang nagpanggap na indibidwal.

Inaresto ang proxy examinee ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at dinala sa NBI Pagadian District Office (NBI-PAGDO) para sa karampatang kasong kriminal.

Sinampahan din ng kasong administratibo dahil sa paglabag sa General Instructions to Examinees ang totoong examinee na kumuha sa serbisyo ng nahuling proxy.

Nagbabala ang PRC sa publiko na iwasan ang pandaraya gaya ng proxy test-taking para lang masigurong makapapasa sa pagsusulit. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *