DOH OIC Vergeire nag-inspeksyon sa vaccine storage facility sa Bicol

DOH OIC Vergeire nag-inspeksyon sa vaccine storage facility sa Bicol

Binisita ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang Bicol South Luzon Sub National Reference Laboratory at ang vaccine storage facilities sa rehiyon.

Kasama ni Vergeire na nagtungo sa Bicol si DOH Undersecretary Nestor Santiago Jr. para bisitahin ang Center for Health Development (CHD) – Region V.

Kasama din ng mga opisyal ng DOH ang mga kinatawan mula sa National Nutrition Council (NNC) at Food and Drug Administration (FDA).

Tiniyak kay Vergeire na ang DOH Region V ay snisigurong maayos na nai-imbak ang mga bakuna at mayroon ding sapat pang suplay para sa mga mamamayan sa rehiyon.

Nagpasalamat naman si Vergeire sa mga healthcare workers sa patuloy na pagbibigay ng de kalidad na health service sa mga taga-Bicol.

“Mula po sa Kagawaran ng Kalusugan, nagpapasalamat po kami sa ating Center for Health Development (CHD) ng Bicol Region lalo higit sa ating mga healthcare workers na patuloy naghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan. Talagang damang-dama ng mga Bikolano ang tunay na diwa ng Universal Health Care dahil sa inyo,” ayon kay Vergeire. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *