200 PDLs ng Bilibid inilipad sa Sablayan Prison and Penal Farm

200 PDLs ng Bilibid inilipad sa Sablayan Prison and Penal Farm

Nailipat ng maayos at payapa ang 200 na Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa New Bilibid Prison, Medium Security Compound o NBP-MedSeCom patungong Central Prison Compound ng Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa pangunguna ni C/CInsp Joel M. Arnold, Acting Superintendent, SPPF.

Nagbigay ng seguridad sa PDL ang mga Corrections Officers mula sa NBP-MedSeCom katuwang ang SPPF Quick Response Team patungong SPPF gamit ang mga prison bus ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pamumuno ni C/SInsp Reynaldo Tuguinay.

Nauna rito,masusi munang pinag-aralan ang mga carpeta ng mga nasabing PDL, upang masiguro na may sapat na dokumento sila para mailipat ng maayos sa SPPF. Nagsagawa rin ng body frisking ang mga personnel ng MedSeCom at SPPF Quick Response Team sa mga PDL upang walang anumang klase ng kontrabando ang makalusot sa ilalim ng kanilang kustodiya.

Samantala, sumailalim din ang mga PDL sa Rapid Antigen Test upang masiguro at mapanatiling ligtas sila sa kapahamakan dulot ng COVID-19.

Layunin ng paglilipat na ito ay maipatupad ang decongestion program ng kawanihan sa mga pambansang piitan sa tulong at patnubay ng kasalukuyang Director General, Undersecretary Gerald Q. Bantag. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *