Kapatid ng pinaslang na mediaman, sumama sa crime scene walkthrough
Upang resolbahin ang mga pagdududa na bumabalot sa sumuko na umakong gunman na si Joel Escorial y Salve,nagsagawa ng crime scene walkthrough ang mga miyembro ng SITG Percy Lapid kasama ang mamamahayag na si Roy Mabasa, kapatid ni Lapid, nitong gabi ng Oktubre 18.
Sa isinagawang walkthrough, ipinakita at itinuro ng suspek/ gunman kung paano nila plinano at isinagawa ang pagpatay sa biktimang si Percy Lapid.
Idinetalye nito kung saan sila naghintay at sinundan si Percy Lapid hanggang sa barilin at mapatay ang media personality.
Tinanong din ni Roy Mabasa ang suspek/gunman kaugnay sa nangyaring pamamaril upang paniwalaan na siya ang bumaril sa biktima.
Dakong 9:35 ng gabi sa Las Piñas City Police Station, nagpaunlak ng pahayag ang SITG Percy Lapid at si Roy Mabasa sa media kung saan nagpasalamat si Mabasa sa PNP para sa masusing imbestigasyon na isinasagawa sa kaso.
Umaasa dn si Mabasa na ang kooperasyon at pakkipagtulungan ng gunman ay magbibigay ng resolba sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
Idinagdag pa ni Mabasa na ang resolusyon ng ganitong murder case ay isang breakthrough sa kampanya laban sa pamamaslang sa media o media killings at katapusan ng pagpaslang ng media practitioners sa bansa.
Ayon pa kay Roy Mabasa, sa una hindi kumbinsido ang pamilya ni Percy Lapid na si Joel Escorial y Salve ang gunman, subalit sa kasagsagan ng walkthrough pagkatapos kumprontahin ang suspek/gunman para patunayan ang kanyang pag-amin. Ang duda sa appearance o hitsura ng suspek/gunman sa CCTV footage ay magkaiba buhat sa taong kinaklaro,dahil ang suspek/gunman ay nagpagupit.
Sa pagtatapos ng pahayag ni Mabasa na naniniwala siya dahil sa kooperasyon ng gunman kaya kumbinsido siya ngayon na ang suspek ang bumaril sa kanyang kapatid at ang mastermind sa likod ng pamamaslang sa kanyang kapatid aniya ay matutukoy na rin.
Sinamahan ang suspek ng kanyang abogado para sa pagsasagawa ng extrajudicial confession nito sa pagpaslang kay Percy Lapid. Narekober din ang isang Colt MK IV, Series 80 .45 caliber pistol na may SN: 863150, na base sa resulta ng forensic examination ay tumugma sa parehong baril na may basyo ng balang nakuha sa pinangyarihan ng krimen.kasama rin diti ang mga damit na isinuot sa kasagsagan ng pagsagawa ng krimen bilang partr sa mga nakalap na ebidensya at gagamitin para sa ikareresolba ng kaso.
Nagsasagawa pa ng balidasyon ang SITG Percy Lapid sa sinabi ng gunman na dineposito sa kanyang BDO account ang halagang ₱550,000.00 bilang bayad sa krimen.
Sumailalim na ang suspek sa inquest proceedings sa tanggapan ni Prosecutor Charlie Guhit sa National Prosecution Service, Department of Justice, Padre Faura, Manila.
Ang gunman ay nasa kustodiya pa rin ng CIDG SMMDFU.
Patuloy na nagkakasa ang SITG Percival Mabasa aka “Percy Lapid” ng follow up operation at imbestigasyon para sa ikadarakip ng iba pang suspek. (Bhelle Gamboa)