Signal Number 1 itinaas sa Batanes, Babuyan Islands at bahagi ng Cagayan dahil sa bagyong Obet

Signal Number 1 itinaas sa Batanes, Babuyan Islands at bahagi ng Cagayan dahil sa bagyong Obet

Nananatili sa karagatan ang tropical depression Obet na huling namataan ng PAGASA sa layong 805 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.

Ang bagyo ay may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras alapit sa gitna at pagbugsong 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.

Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Batanes
– Babuyan Islands
– northeastern portion of Cagayan (Sta. Ana, Gonzaga)

Bukas (Oct. 21) ng umaga hanggang sa Sabado (Oct. 21) ng umaga ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding pag-ulan sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, at sa northern portion ng mainland Cagayan.

At mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Batanes, the northern portion ng Ilocos Sur, Abra, Kalinga, at sa nalalabing bahagi ng mainland Cagayan.

Ayon sa PAGASA posibleng lumabas pa ang bagyo at umabot sa tropical storm category bukas ng gabi o sa Sabado ng umaga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *