Halaga ng pinsala ng bagyong Maymay at neneng sa agrikultura umakyat na sa P355.63M
Umabot na sa mahigit P355 million ang halaga ng pinsala sa pananim na naidulot ng magkasunod na pananalasa ng bagyong Maymay at Neneng.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA), nakapagtala ng pinsala sa mga pananim sa Ilocos Region at Cagayan Valley.
Ayon sa DA, umabot sa 11,928 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan at tinatayang 25,297 metric tons (MT) ng pananim ang nasira sa 15,850 na ektarya ng agricultural areas.
Kabilang sa napinsalang pananim ay palay, mais, at high value crops.
Ayon sa DA, ang kanilang Regional Offices ay patuloy sa pagsasagawa ng assessment sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.
Inihahanda na din ang rice, corn at vegetable seeds para maipamigay sa mga naapektuhang magsasaka. (DDC)