One Health Pass hindi na kailangan ng mga biyaherong dumarating sa bansa
Hindi na oobligahin ng pamahalaan ang mga biyahero na magsumite ng One Health Pass kapag dumarating sila sa bansa.
Sa halip ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria. Rosario Vergeire, gagamit na lamang ng e-Arrival card.
Ito aniya ang napag-usapan at napagkasunduan sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Masyado aniyang inconvenient para sa mga pasahero ang One Health Pass dahil maraming hinihinging detalye.
Kailangan ding mag-online para ma-access ang One Health Pass link.
Mas kaunti aniya ang requirements at mas kaunti ang detalye na hihingin sa e-Arrival card.
Kung walang paraan para makapag-online, magkakaroon ng special lane sa mga paliparan para maasistihan ang mga kukuha ng e-Arrival card. (DDC)