Deadline para sa ACOP compliance pinalawig ng SSS
Pinalawig ng Social Security System ang deadline para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) hanggang Oct. 31, 2022.
Sa post sa kanilang Facebook page sinabi ng SSS na ito ay para mabigyan ng mas mahabang pagkakataon ang mga pensioners na makatugon sa requirement.
Kabilang sa mga kailangang mag-comply sA ACOP ay ang mga pensioners na naninirahan sa ibang bansa, total disability pensioners, at survivor pensioners kabilang ang kanilang dependent.
Ang mga retirement pensioners na naninirahan sa Pilipinas ay hindi na kailangang mag-comply sa ACOP.
Kung mabibigong mag-comply sa ACOP sa itinakdang deadline, maaaring ma-suspinde ang kanilang pensyon simula Jan 1, 2023. (DDC)