Nationwide Parol-Making Contest inilunsad ng Office of the President
Naglunsad ng Nationwide Parol-Making Competition ang Office of the President sa pakikipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Maaaring sumali sa nasabing kompetisyon ang mga Local Government Units (LGU).
Layunin ng programa na mai-showcase ang ingenuity at culture ng mga lalawigan.
Ang kompetisyon ay mayroong temang Isang Bituin, Isang Mithiin: A Nationwide Parol-Making Competition.
Ang mga mapipiling parol ng LGU ay ilalagay sa Christmas Tree sa Malakanyang at mananalo din ng mga papremyo.
P100,000 ang premyo para sa 1st place, P75,000 sa 2nd place at P50,000 sa 3rd place.
Bibigyan din ang mga mananalo ng Laptop Showcase, at pagkakataong mai-feature sa RTVM.
Sa Dec. 3, 2022 iaanunsyo ang mga mananalo. (DDC)