Pamilya ni Percy Lapid umaasang matutukoy ang mastermind sa krimen kasunod ng pagsuko ng nagpakilalang gunman

Pamilya ni Percy Lapid umaasang matutukoy ang mastermind sa krimen kasunod ng pagsuko ng nagpakilalang gunman

Nagpasalamat ang pamilya ng broadcaster na si Percy Lapid sa mga otoridad matapos ang pagsuko ng umano ay gunman sa krimen.

Sa pahayag ng pamilya ni Percy Lapid o Percival Mabasa sa totoong buhay, umaasa ang pamilya na sa pagsuko ng nagpakilalang gunman ay magkaroon ng lead para maaresto at mapanagot ang mastermind sa krimen.

Umaasa ang pamilya Mabasa na hindi mapapabilang si Lapid sa halos 200 journalists na nasawi simula pa noong 1986 na pawang hindi pa nabibigyang hustisya.

“We hope this development leads to the identification, arrest and prosecution of the mastermind. We hope Percy does not become part of the statistics and continue to clamor for justice for Percy and the nearly 200 journalists killed since 1986,” ayon sa pahayag na ibinahagi sa Facebook ng kapatid ni Mabasa na si Roy Mabasa.

Ayon kay Roy Mabasa, nagkaroon din ng pagkakataon ang pamilya na makausap ang sumukong suspek.

Nagpahayag umano ito ng kanyang boluntaryong pakikipagtulungan sa ikalulutas ng kaso sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Roy Mabasa na “bilang mga mabuting mamamayan, susunod silang pamilya ni Ka Percy sa proseso ng batas”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *