Paggamit ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga edad 6-17 inaprubahan na ng DOH

Paggamit ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga edad 6-17 inaprubahan na ng DOH

Inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit sa COVID-19 vaccine ng Sinovac para primary series ng mga batang edad 6 hanggang 17.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ito ay batay na din sa rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC).

Sinabi ni Vergeire na nakapagpalabas na ng guidelines ang DOH upang maumpisahan ang paggamit ng Sinovac vaccine sa nasabing age group.

Ang pagitan ng pagbabakuna ng second dose ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga bata ay 4 na linggo makalipas mabakunahan ng unang dose.

Bago ito ay tanging ang COVID-19 vaccines lamang ng Moderna at Pfizer ang itinuturok sa nasabing age group. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *