81 kaso ng Omicron XBB subvariant at 193 cases ng XBC variant naitala sa bansa
Nakapagtala sa bansa ng 81 bagong kaso ng COVID-19 Omicron XBB subvariant.
Sa press briefing sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang 81 kaso ng XBB ay naitala sa Western Visayas at Davao Region.
70 sa mga pasyente ay naka-recover na, 8 pa ang sumasailalim sa isolation habang inaalam pa ang kondisyon ng 3 iba pa.
Ayon sa DOH, base sa paunang mga pag-aaral, ang XBB sublineage ay may mas mataas na immune evasion ability kumpara sa BA.5 subvariant.
Ito rin ang dahilan ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa Singapore at ilan pang mga bansa.
Samantala, nakapagtala din ng 193 na kaso ng XBC variant sa 11 rehiyon sa bansa.
Sa nasabing bilang, 5 ang pumanaw.
176 naman ang gumaling na, 3 ang naka-isolate pa at inaalam pa ang kondisyon ng iba pa. (DDC)