Korte Suprema nagtakda ng oral arguments sa inihaing petisyon na kumukwestyon sa pag-suspinde sa Barangay at SK elections
Pinagkokomento ng Korte Suprema ang mga respondent sa inihaing petisyon na kumukuwestyon sa Republic Act 11935, o ang batas na nagsususpinde sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa idinaos na sesyon ng Supreme Court en banc, inatasan ang Comelec na maghain ng komento patungkol sa petisyon ni Atty. Romulo Macalintal.
Binigyan lamang ang Comelec ng hanggang alas-12 ng tanghali ng Biyernes Oct. 21 ang Comelec para isumite ang kanilang komento.
Nagtakda din ang Korte Suprema ng oral arguments sa isyu alas 3:00 ng hapon sa nasabi ring petsa.
Una nang hiniling ni Macalintal sa SC na magpalabas ng TRO para pigilin ang RA 11935. (DDC)