Oplan Biyaheng Ayos ng PITX handa na sa UNDAS 2022

Oplan Biyaheng Ayos ng PITX handa na sa UNDAS 2022

Handa na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa pagdagsa ng mga pasahero para sa ligtas na pagbiyahe ngayong Undas.

Kasama ng PITX sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos” ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), at Office for Transportation Security (OTS) upang magbigay ng kauna-unahang landport na may mahigpit na seguridad, maayos na paglalakbay, at epektibong matugunan ang mga pangangailangan ng pasaherong pauwi sa kani-kanilang probinsiya upang doon gunitain ang Undas.

“Sa ngayon, nasa 120,000 ang average na pasahero araw-araw, at ito ay inaasahang tataas sa panahon ng Undas. Kaya naman ang ating prayoridad ay ang seguridad, kaligtasan, at kasapatan ng mga biyahe para ma-accommodate ang lahat ng ating mga pasahero. We will be working round-the-clock for immediate response to any incident that may arise,” ani Jason Salvador, Corporate Affairs and Gov’t Relations Head ng PITX.

Kaugnay nito, itatayo simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 4, ang Malasakit Help Desk (MHD) ng DOTr sa pangunahing pasukan (Entrance 2) ng PITX. Pamamahalaan ito ng kinatawan ng DOTr, LTO, LTFRB, MMDA, at PITX Emergency Response Team.

Ang PNP ay gumagawa ng 24-hour postings na may karagdagang K-9 units para lalo pang paigtingin ang security measure sa paligid ng lugar.

Sinisiguro din ng LTO ang kaligtasan ng mga pasahero ng lahat ng PUV, ang mga sasakyan na wastong kondisyon maging ang mga driver na nasa maayos na pisikal at mental na kondisyon para maglingkod sa publiko, walang impluwensya ng alak at ipinagbabawal na droga.

Para sa sapat na suplay ng mga bus , ang LTFRB ay maglalabas ng mga espesyal na permit para makapagsilbi ng mas maraming pasahero sa loob ng PITX. Magkakaroon din sila ng mga tauhan sa ground para mag-isyu ng mga espesyal na permit sa karagdagang mga bus, real time, kapag kailangan.

Tinitiyak ng PITX na ang pasilidad ay may kagamitan upang ma-accommodate ang mga pasahero at mabigyan sila ng komportableng karanasan sa paglalakbay bilang Oplan Biyaheng Ayos.

“Ang aming mga banyo ay maayos na pinananatili; ang mga upuan ay ibinigay para sa naghihintay na mga pasahero; mayroon kaming mabilis na koneksyon sa aming libreng WiFi; and there’s a variety of retail and food options available for everyone,” diin ni Salvador.

“Kami ay nakikipagtulungan din nang malapit sa mga kumpanya ng bus at mga operator ng transportasyon upang matiyak ang pagkakakonekta at ang sapat na mga biyahe at mga opsyon sa transportasyon para sa lahat ng mga pasahero,” dagdag niya.

Para sa mga katanungan at alalahanin ng mga pasahero, ang mga hotline ng PITX ay (02) 8396-3817 hanggang 18. Maaari ring ipadala ang mga komento at mungkahi sa customerservice@pitx.com.ph, o text/tawag sa 0917.596.1111. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *