Mahigit 100,000 katao naapektuhan ng pananalasa ng Typhoon Neneng
Umabot sa mahigit 100,000 katao o mahigit 29,000 na pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Neneng.
Ayon sa datos ng National Disaster Risk reduction and Management Council (NDRRMC), sa kabuuan, 29,544 na pamilya na ang apektado o katumbas ng 103,662 na indibidwal mula sa 331 na mga barangay sa Regions I, II, at CAR.
Mayroong 4,459 na pamilya ang inilikas na pawang nasa mga evacuation center o kaya naman ay nakikituloy sa kanilang kaanak.
Inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang NDRRMC, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Energy (DOE) na tiyaking mararating ng tulong ang mga naapektuhan ng bagyo. (DDC)