COVID-19 positivity rate sa pitong lalawigan sa bansa nasa “very high” pa rin ayon sa OCTA Research

COVID-19 positivity rate sa pitong lalawigan sa bansa nasa “very high” pa rin ayon sa OCTA Research

Patuloy na bumababa ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 17.9 percent noong Oct. 8 ay bumaba sa 215 percent ang positivity rate sa NCR.

Samantala pawang nasa “very high” ang positivity rate sa pitong lalawigan sa bansa na kinabibilangan ng Camarines Sur, Cavite, Laguna Rizal, South Cotabato, Tarlac at Zambales.

Sa Camarines Sur, mula sa 37.1 percent na positivity rate noong Oct. 8 ay tumaas ito sa 46.2 percent noong Oct. 15.

Sa Cavite naman, nasa 22.8 percent ang positivity rate, habang 21 percent naman sa Laguna.

Sa Rizal, bagaman bahagyang bumaba ay “very high” pa rin ang naitalang positivity rate na 22.1 percent, habang 22 percent naman sa Zambales.

Sa Tarlac, mula sa 34.8 percent a positivity rate ay tumaas sa 41.6 percent.

Nasa “very high” din ang positivity rate sa South Cotabato na 26.9 percent. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *