Army chief Romeo Brawner nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng mga sundalong naaksidente sa Masbate

Army chief Romeo Brawner nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng mga sundalong naaksidente sa Masbate

Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Philippine Army sa mga sundalong pumanaw matapos maaksidente ang sinasakyan nilang military vehicle sa Uson, Masbate.

Kinumpirma din sa pahayag ni
Army Chief Lt. Gen. Romeo S. Brawner Jr. na umakyat na sa walo ang bilang ng sundalong nasawi na pawang miyembro ng 2nd Infantry “Second to None” Battalion (2IB) ng 9th Infantry “Spear” Division (9ID).

Anim sa kanila ang dead on the spot habang dakawa ang pumanaw sa ospital.

Ang lima pang sundalo na ginagamot sa Masbate Provincial Hospital ay stable na ang kondisyon habang isa ang kritikal sa Regional Training and Teaching Hospital.

Batay sa report, pumutok ang gulong sa likurang bahagi ng sinasakyang KM450 military vehicle ng labingapat na sundalo dahilan para mawalan ng kontrol ang driver at bumangga sa cement truck mixer sa Brgy. Buenasuerte, bayan ng Uson noong Sabado.

Galing sila sa paghahatid ng mga suplay at pabalik sa kanilang temporary patrol base sa Brgy. Paguihaman nang mangyari ang aksidente.

Tiniyak ni Brawner na bibigyan ng karampatang tulong medikal at suporta ang mga nagpapagaling na sundalo.

Pinaiimbestigahan na rin ang insidente para matukoy ang nature at sanhi ng aksidente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *