Las Piñas LGU nakakuha ng dalawang pagkilala para sa healthcare programs
Kinilala ng Department of Health (DOH) – Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) ang lokal na pamahalaan ng Las Pińas City sa pagkakaroon nito ng may pinakamataas ng kalidad pagdating sa serbisyong pangkalusugan.
Iginawad sa nasabing pamahalaang panglungsod ang outstanding financial compliance dahil sa maayos at tamang paggamit ng pondo ng DOH at sa agaran at tamang liquidation
Maliban dito, binigyan din ng plaque of appreciation ang pamahalaang panglungsod dahil sa pagsuprta nito sa iba’t ibang healtcare program nagbibigay ng pantay-pantay na access para sa dekalidad at abot-kayang health care services alinsunod sa universal health care.
Ang nasabing awarding at recognition sa mga lungsod na may high quality ng health service ay ginawa sa Manila Hotel nitong Oktober 14, 2022 kasabay ng pagdiwang ng 35th Anniversary ng DOH-MMCHD.
Nakatanggap din ang Las Piñas LGU ng P150,000 na pwede gamitin ng lungsod bilang karagdagang pondo para sa health services and projects nito kung saan pakikinabangan din ng Las Piñeros.
Ayon kay Vice-Mayor April Aguilar masaya siya dalawang pagkilala sa city governemnt ng Las Piñas.
“Ang pagkilalang ibinigay ng DOH-MMCHD ay isang inspirasyon para sa city government para mapabuti o gumawa ng mas mabuting health services para sa mga residente ng lungsod”, dagdag niya.
Sinabi pa nito na ang pagpabuti sa health services ng lungsod ay bahagi “Tuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo” ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar. (Noel Talacay)