Stop-and-go scheme ipinapatupad sa Andrews Avenue sa Pasay

Stop-and-go scheme ipinapatupad sa Andrews Avenue sa Pasay

Nagpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng stop-and-go traffic scheme along Andrews Avenue in Pasay City simula ngayong Oktubre 17 hanggang bkas,Oktubre 18 para sa Philippine Travel Exchange (PHITEX) 2022 o mas kilala bilang biggest government-organized travel trade event sa bansa.

Nagdeploy naman ang MMDA ng kanyang 139 na tauhan sa mga inilaang ruta para sa tuluy-tuloy at maayos na pagkilos ng mga delegado magmula sa paliparan patungo sa kanilang tutuluyang mga hotel,venues at ibang engagement areas.

Maliban sa pagpapakalat ng tauhan,naghanda rin ang ahensya ng mga ambulansiya at tow trucks upang magresponde sa mga emergencies.

Ang PHITEX 2022 ay gaganapin sa Oktubre 18-24 sa Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, Manila na inorganisa ng Tourism Promotions Board, marketing at promotions arm ng Department of Tourism. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *