Paul Soriano itinalaga ni Pangulong Marcos bilang Presidential Adviser for Creative Communications
Hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos ang direktor na si Paul Soriano bilang Presidential Adviser for Creative Communications.
Kinumpirma ito ng Office of the Press Secretary.
Sinabi ng OPS na nakatakda na ring manumpa sa puwesto si Soriano.
Wala pa namang inilalabas na pahayag ang OPS kung ano ang gagampanang tungkulin ni Soriano bilang Presidential Adviser for Creative Communications. (DDC)