Caloocan City LGU tumanggap ng pagkilala mula mula sa DOH para sa pagpapatupad ng Safe Motherhood Program
Kinilala ng Department of Health ang City Government ng Caloocan sa mahusay nitong pagpapatupoad ng National Safe Motherhood Program.
Sa seremonya na idinaos sa Maynila, ginawaran ng plaque of appreciation and recognition, at P150,000 cash grant ng DOH ang pamahalaang lungsod.
Ayon sa Metro Manila Center for Health Development ng DOH, layunin ng programa na mapagbuti ang overall health and survival ng mga nanay at kanilang bagong silang na sanggol sa buong National Capital Region.
Nagpasalamat naman si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa pagkilala ng DOH at tiniyak ang pagpapatuloy sa mga programang magbibigay ng access sa mga kababaihan para sa de kalidad na healthcare upang masiguro ang ligtas na pagbubuntis at panganganak
Ayon kay City Health Department Officer-in-charge Dra. Evelyn Cuevas ang cash grant ay ilalan sa patuloy na pagbuo ng target client list para mas epektibong makapagserbisyo sa mga nanay at kanilang anak na nagpapacheck-up sa mga health centers. (DDC)