Pangulong Marcos tiniyak ang tulong sa mga nasalanta ng Typhoon Neneng
Masusing binabantayan ng pamahalaan ang mga lugar na naapektuhan ng Typhoon Neneng.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. paparating na ang tulong sa mga lalawigan sa Norte na napinsala ng bagyo.
Ayon sa pangulo, nakahanda na ang assets ng gobyerno para makatugon sa mga napinsala ng bagyo.
Kabilang dito ang paghahatid ng pagkain, ligtas na inuming tubig at pagbabalik ng suplay ng kuryente.
Hinimok ng pangulo ang mga residente na sumunod sa direktiba ng kani-kanilang lokal na pamahalaan at ng local disaster risk reduction and management office. (DDC)