Maraming lugar sa Cagayan nakaranas ng pagbaha; mahigit 2,000 pamilya ang apektado
Inilikas ang mahigit 2,000 pamilya sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cagayan makaraang makaranas ng pagbaha dahil sa pag-ulan dulot ng Typhoon Neneng.
Sa datos mula sa Cagayan Provincial Information office, 59 na barangay ang naapektuhan ng bagyong Neneng mula sa mga bayan ng Ballesteros, Lal-lo, Camalaniugan, Aparri, Buguey, Sta. Ana, Lasam, Baggao, Sta. Teresita, Gattaran, Sta Praxedes at Claveria.
Kabuuang 2,003 na pamilya ang naapektuhan o katumbas ng 6,911 na indbidwal.
Sa Claveria, Cagayan, kabilang ang isang labi na nasa kabaong sa mga inilikas ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Claveria.
Sa Sta. Ana, may mga alagang hayop ang nasawi dahil sa pagtaas ng tubig-baha. (DDC)