86 arestado sa magkakahiwalay na police operations sa Central Visayas

86 arestado sa magkakahiwalay na police operations sa Central Visayas

Umabot sa 86 suspek ang nadakip sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon ng Central Visayas PNP.

Sa datos ay umabot sa P34,388,076 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang Synchronized Enhanced Managing Police Operations (SEMPOs).

Sa ulat ni Police Regional Office 7 Regional Director PBGen Roderick Augustus B. Alba kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang 86 na indibidwal ay nadakip sa magkakahiwalay na operasyon kontra sa illegal drugs, gambling, loose firearms, communist terrorist groups, most wanted persons at iba pang wanted persons.
simula noong October 14, 2022, hanggang October 15, 2022.

Ayon kay Azurin kasamang naaresto sa Lapu-lapu City ang isang ROSELL MORALES ARDA, alyas JANET, 42-anyos na Top Priority Ten High Value Individual (HVI) at nakumpiska sa kaniya ang P34 million na halaga ng shabu.

Nadakip din ang isang MYLES TUDTUD SENO, 46-anyos na Top 6 Most Wanted Person (Provincial Level) sa Barangay Mabolo, Cebu City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa R.A. 9165.

Habang nadakip din ang isang RONIEL BRIGOLI alyas “Bangkay”, 31-anyos na Top 8 Most Wanted Person (Provincial Level) sa Compostela, Cebu na may kasong rape.

Kinilala naman ni Azurin ang pagsusumikap ng Central Visayas police at sa tagumpay nito sa mga ikinasang operasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *