Bagyong Neneng lumakas pa, nasa typhoon category na ayon sa PAGASA
Lumakas pa at naging isa nang typhoon ang bagyong Neneng.
Sa 2PM weather bulletin ng PAGASA, ang Typhoon Neneng ay huling namataan sa layong 145 kilometers West ng Calayan, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 3 sa sumusunod na mga lugar:
– western portion of Babuyan Islands (Panuitan Is., Calayan Is., Dalupiri Is.)
Sugnal Number 2:
– Batanes
– northwestern portion of Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros), the northwestern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela),
– Ilocos Norte
Signal Number 1:
– Kalinga
– Abra
– northern and central portions of Ilocos Sur (Gregorio del Pilar, Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, City of Candon, Santa Lucia, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, San Ildefonso, Galimuyod, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria, Narvacan, Salcedo, Santa Cruz)
– rest of Apayao
– rest of Cagayan
Ayon sa PAGASA, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Babuyan Islands, Apayao, Abra, Benguet, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.
Ayon sa PAGASA, maaaring lumabas na ng bansa ang bagyo hapon o mamayang gabi. (DDC)