Mahigit 1 milyong estudyante nakinabang sa Libreng Sakay for Students program sa LRT-2

Mahigit 1 milyong estudyante nakinabang sa Libreng Sakay for Students program sa LRT-2

Umabot na sa mahigit isang milyong estudyante ang nakinabang sa Libreng Sakay for Students program ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Sa pahayag ng LRTA, simula August 22 hanggang Oct. 13, 2022 ay umabot na sa 1,028,407 na estudyante ang nakinabang sa Libreng Sakay sa LRT-2.

Magpapatuloy pa ang Libreng Sakay program ng LRT-2 para sa mga mag-aaral hanggang sa Nov. 5, 2022.

Nangunguna ang mga istasyon ng Recto, Legarda, Araneta Center- Cubao, Marikina at Antipolo na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga estudyante na naserbisyuhan ng programa.

Ang mga estudyante mula nursery hanggang kolehiyo ay maaaring mag avail ng Libreng Sakay simula Lunes hanggang Sabado, alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:30 ng gabi.

Ayon kay Administrator Atty. Hernando Cabrera, magpapatuloy ang libreng sakay hanggang ika-5 ng Nobyembre.

Habang pagsapit ng Nobyembre 6, ipagpapatuloy naman ang pagbibigay ng 20% student fare discount. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *