Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena nag-courtesy call kay Pangulong Marcos
Nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pinoy Paul Vaulter na si EJ Obiena.
Kinilala at binigyang-pugay ng pangulo si Obiena sa kaniyang mga naiuwing karangalan sa bansa.
Hinikayat din ng pangulo si Obiena na ipagpatuloy ang kaniyang hangarin na maging world’s best pole vaulter.
Si Obiena ay ikatlo na ngayon sa world ranking.
Pinasalamatan ni Marcos ang atleta sa pagdadala ng karangalan sa bansa at pagbibigay ng inspirasyon sa kabataang Pilipino. (DDC)