Pagbubukas ng taunang Balik Scientist Program Convention pinangunahan ni Pangulong Marcos

Pagbubukas ng taunang Balik Scientist Program Convention pinangunahan ni Pangulong Marcos

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng 8th Annual Balik Scientist Program (BSP) Convention.

Ang BSP ay naitatag noong 1975 at napagtibay sa pamamagitan ng Balik Scientist Act of 2018.

Layunin nitong maibalik ang mga dalubhasang Pilipino sa bansa at paigtingin ang kaalaman sa agham at teknolohiya.

Sa kaniyang talumpati ay pinasalamatan ni Marcos ang mga scientist sa bansa para sa kanilang serbisyo sa bayan.

Ayon sa pangulo, nakatataba ng puso na makitang magbalik-bansa ang mga Filipino scientist para makatulong sa pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

Kinilala din ni Marcos ang mga ginagawang hakbang ng DOST para mahikayat ang mas maraming kabataan na kumuha ng scientific and technological courses. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *