Bagyong Neneng bahagyang huminal; Signal No. 1 itataas sa eastern portion ng Northern Luzon

Bagyong Neneng bahagyang huminal; Signal No. 1 itataas sa eastern portion ng Northern Luzon

Bahagyang humina ang tropical depression Neneng.

Sa weather bulletin na inilabas ng PAGASA, 11:00 ng umaga ngayong Biyernes (Oct. 14), namataan ang bagyo sa layong 835 kilometers east ng Extreme Northern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras.

Bukas makararanas ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, at Kalinga.

Sa Linggo, makararanas ng hanggang sa matinding buhos ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Cagayan, Apayao, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Ngayong araw, maaaring magtaas na ng public storm warning signal number 1 sa eastern portion ng Northern Luzon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *