Philippine National Police may bagong PIO chief
Itinalaga ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rodolfo S. Azurin Jr. si Police Colonel Redrico A. Maranan bilang bagong Public Information Office (PIO) chief ng PNP.
Papalitan ni Maranan si Police Brigadier General Roderick Augustus Alba na na-reassign bilang Regional Director ng Police Regional Office 7 sa Central Visayas.
Magsisilbi si Maranan bilang publicist at mouthpiece ng PNP sa mga information matters at iba pang strategic mass communication concerns ng PNP.
Responsable din sya sa pagpapatupad ng PNP Media Relations Policy sa pagtitiyak ng karapatan ng mga mamamayan sa tamang impormasyon.
Si Maranan ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Patnubay” Class 1995.
Nagtapos din sya ng Management major in Development and Security and Business Administration sa Wesleyan University sa Cabanatuan.
Bago maging PIO chief si Maranan ay nagsilbi bilang Deputy District Director for Operations ng Quezon City Police District.
Naging Chief of Staff din dya ng PNP Drug Enforcement Group noong 2021. (DDC)