Panawagang magbitiw sa puwesto si Justice Sc. Remulla walang basehan ayon kay Pangulong Marcos

Panawagang magbitiw sa puwesto si Justice Sc. Remulla walang basehan ayon kay Pangulong Marcos

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang basehan ang mga panawagang magbitiw sa puwesto si Justice Sec. Boying Remulla matapos maaresto ang kaniyang anak dahil sa illegal drugs.

Sa dinaluhang event sa Department of Science and Technology (DOST), sinabi ng pangulo na ipinapanawagan ang pagbibitiw sa puwesto kapag hindi nagagampanan ng maayos ang trabaho.

“I think the calls for him (SOJ Remulla) to resign have no basis. You call for somebody to resign if he’s not doing his job or they have misbehaved in that job. He has not done… he has done quite the contrary,” ayon kay Marcos.

Nagbigay na din aniya ng pahayag ang justice secretary at sinabing hindi siya makikialam sa kaso ng anak.

Ayon kay Marcos, bilang kalihim ng DOJ, batid ni Remulla na dapat hayaang gumulong ang proseso ng hudikatura at ang mga nasa ehekutibo ay hindi dapat manghimasok sa proseso.

Ang anak na panganay ni Remulla na si Juanito Remulla III ay naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahulihan ng P1.3 million na halaga ng high grade na marijuana. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *