Panibagong bagyo pumasok sa PAR, pinangalanang Neneng ng PAGASA
Isang panibagong bagyo ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ang bagyo na pinangalanang Neneng ng PAGASA ay huling namataan sa layong 1,030 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 30 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA ang bagyong Neneng ay maaaring magdulot ng malakas na pag-ulan sa Northern Luzon simula sa Sabado.
Bukas ng umaga o tanghali ay magtataas na ng Tropical Cyclone Wind Signal No.1 ang PAGASA sa eastern portion ng Northern Luzon.
Posible ayon sa PAGASA na lumakas pa ang bagyo habang nasa Philippine Sea at maaaring umabot sa tropical storm category. (DDC)