Bagong COVID-19 variant na XBB hindi pa nakapapasok sa bansa – DOH

Bagong COVID-19 variant na XBB hindi pa nakapapasok sa bansa – DOH

Wala pang naitatalang kaso ng bagong subvariant ng Omicron na XBB variant sa bansa.

Ang XBB subvariant ay recombinant ng BJ.1 (BA.2.10.1 sublineage) at BM.1.1.1 (BA.2.75 sublineage).

Sa isinagawang pag-aaral ayon sa Department of Health (DOH) ang sublineage ay nagpapakita ng higher immune evasion ability kumpara sa BA.5 subvariant.

Sa pahayag, sinabi ng DOH na wala pang nade-detect na bagong variant sa Pilipinas.

Sinabi ng DOH na katuwang ang mga local sequencing facilities, patuloy ang kanilang surveillance upang ma-monitor ang posibleng pagpasok sa bansa ng nasabing variant at ng iba pang emerging SARS-CoV-2 variants.

Kamakailan iniulat ng MInistry of Health ng Singapore na ang pagtaas ng naitatalang local cases ng COVID-19 sa kanilang lugar ay dahil sa XBB. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *