Comelec maglalabas ng bagong Calendar of Activities para sa idaraos na Brgy. at SK elections sa Oct. 30, 2023

Comelec maglalabas ng bagong Calendar of Activities para sa idaraos na Brgy. at SK elections sa Oct. 30, 2023

Pagpapasyahan ng en banc ng Commission on Elections (Comelec) ang pagrebisa sa Calendar of Activities para sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 30, 2023.

Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpapaliban sa Barangay at SK elections ngayong taon.

Ayon sa pahayag ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, magpupulong ang Comelec en banc para sa baong Calendar of Activities.

Kabilang sa mababago ang petsa ang ang election period, petsa ng pagpapatupad ng gun ban at petsa ng paghahain ng Certificates of Candidacy.

Tiniyak naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na walang masasayang sa mga naihanda nang election spplies at paraphernalia.

Kabilang dito ang mga nai-imprenta nang official balots at iba pang accountable at non-accountable forms.

Itatago muna ang mga ito sa warehouse ng Comelec para magamit sa eleksyon sa Oct. 30, 2023.

Sususpindehin naman mina ang pag-imprenta ng mga balota sa National Printing Office (NPO).

Target naman ng Comelec na masimulan muli ang voter registration sa huling linggo ng Nobyembre o sa unang linggo ng Disyembre ng kasalukyang taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *