Mga residente sa palibot ng Mt. Bulusan pinag-iingat ni Pangulong Marcos

Mga residente sa palibot ng Mt. Bulusan pinag-iingat ni Pangulong Marcos

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahandaan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa muling pagkakaroon ng aktbidad ng Bulkang Bulusan.

Pinayuhan ng pangulo ang mga residente sa paligid ng Mt. Bulusan sa Sorsogon na maging maingat.

Ito ay makaraang itaas ng Phivolcs ang Alert Level 1 sa bulkan.

Ayon sa pangulo, nakahanda na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of the Civil Defense-Region 5, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan para tiyakin ang kaligtasan ng mga residente.

“Ating pinapayuhan ang mga residente na malapit sa Mt. Bulusan na lalong mag-ingat ngayong itinaas na sa Alert Level 1 ang sitwayson,”. paalala ng pangulo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *