Completion rate ng LRT-1 Cavite Extension Project nasa 73 percent na

Completion rate ng LRT-1 Cavite Extension Project nasa 73 percent na

Nasa 73 percent na ang overall progress rate ng LRT-1 Cavite Extension Project.

Ayon sa LRT-1 private operator na Light Rail Manila Corporation (LRMC), nagpapatuloy ang electromechanical works sa proyekto gaya ng paglalatag ng riles at pagkakabit ng electrical system.

Nagpapatuloy din ang konstruksyon ng karagdagang mga bagong LRT-1 stations para sa Phase 1 ang Redemptorist, MIA, PITX Asia World, Ninoy Aquino, at Dr. Santos stations.

Ang trackwork installation nasa halfway complete na ayon sa LRMC.

Dahil naman sa isasagawang installation ng tracks at overhead catenary system sa Ninoy Aquino Station, nagpatupad ng temporary closure sa bahagi ng outer lane (northbound) ng Imelda Bridge na nagdudugtong sa Barangays La Huerta at Sto. Niño sa Parañaque City.

Ang pagsasara ng kalsada ay nagsimula noong October 10, 2022 at tatagal hanggang November 10, 2022 mula 9pm hanggang 4am araw-araw. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *