COVID-19 positivity rate sa ilang lalawigan sa Luzon, nasa “very high”

COVID-19 positivity rate sa ilang lalawigan sa Luzon, nasa “very high”

Bagaman bumababa ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila, may pagtaas naman sa ilang mga lalawigan sa Luzon.

Sa datos mula sa OCTA Research, pawang nasa “very high” ang positivity rate sa Camarines Sur, Cavite, Laguna Rizal, Tarlac at Zambales.

Sa Camarines Sur, mula sa 37.1 percent na positivity rate noong Oct. 8 ay tumaas ito sa 46.2 percent noong Oct. 11.

Sa Cavite naman, nasa 22.6 percent ang positivity rate, habang 22.2 percent naman sa Laguna.

Sa Rizal, bagaman bahagyang bumaba ay “very high” pa rin ang naitalang positivity rate na 21.2 percent, habang 33.6 percent naman sa Zambales.

Sa Tarlac ay malaki ang itinaas ng positivity rate na mula sa 34.8 percent ay umakyat sa 51.8 percent.

Nasa “very high” din ang positivity rate sa South Cotabato na 26.2 percent.

Sa Metro Manila, mula sa 17.9 percent noong Oct. 8 ay bumaba sa 15 percent ang positivity rate noong Oct. 11. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *