Mahigit 300 volcanic earthquake naitala sa Mt. Bulusan
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 313 na volcanic earthquake sa Mt. Bulusan sa Sorsogon.
Sa inilabas na bulletin ng Phivolcs, may pamamaga sa Bulkang Bulusan.
Kahapon ay itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 1 (low-level unrest) ang ang status ng Mt. Bulusan mula sa Alert Level 0 (normal).
Noon kasing Oct. 10 at 11, nakaranas ng sulfurous odor ang mga residente mula sa Sitio Talistison, Brgy. Mapaso, sa Irosin at sa Brgy. San Roque, Bulusan.
Ayon sa Phivolcs sa nasabing mga petsa ay mayroong naitalang mahina hanggang katamtaman na emission ng steam-laden plumes sa summit crater ng bulkan.
Sa ilalim ng Alert Level 1, bawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone o PDZ at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone o EDZ sa gawing timog-silangan.
Bawal din ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan. (DDC)