Pagpapaliban sa Barangay at SK elections inaprubahan na ni Pangulong Marcos

Pagpapaliban sa Barangay at SK elections inaprubahan na ni Pangulong Marcos

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Nilagdaan ng pangulo bilang ganap na batas ang Republic Act No. 11935 o “An Act Postponing the December 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, Amending for the Purpose Republic Act. 9164, as amended, appropriating funds therefor, and for other purposes”.

Sa ilalim ng nasabing batas, ipinagpapaliban ang pagsasagawa ng Barangay at SK elections na dapat sana ay sa Disyembre ngayong taon.

Sa halip, idaraos na lamang ito sa unang Lunes ng October 2023.

Ang mga kasalukuyang Barangay at SK officials ay mananatili sa puwesto hanggang sa makapaghalal ng mga bagong opisyal.

Ang mahahalal na mga bagong Barangay at SK officials sa eleksyon sa October 2023 ay magsisimula ng kanilang termino sa November 30, 2023.

Ang mga susunod na halalang pang-barangay ay isasagawa tuwing kada tatlong taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *