Bagyong Maymay naging isang LPA na lang; magpapaulan pa rin sa Cagayan, Isabela at Apayao
Tuluyan nang humina ang tropical depression Maymay at naging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang.
Ang LPA ayon sa PAGASA ay huling namataan sa coastal waters ng Casiguran, Aurora.
Sinabi ng PAGASA na sa susunod na 12-oras ay inaasahang malulusaw na ang LPA.
Ang nasabing LPA ay patuloy na magdudulot ng kataman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Cagayan, Isabela, at Apayao.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa iba pang bahagi ng Cagyan Valley Region at Cordillera Administrative Region (CAR). (DDC)