P194.6B na budget ng DSWD para sa 2023 aprubado na ng Senate finance subcommittee

P194.6B na budget ng DSWD para sa 2023 aprubado na ng Senate finance subcommittee

Aprubado na ng Senate finance subcommittee ang P194.6 billion na panukalang budget para sa Department of Social Welfare and Development sa susunod na taon.

Sa idinaos na halos apat na oras na budget hearing, nagpasya si Senator Imee Marcos na i-transmit na ang DSWD budget para sa plenary debates.

Sa nasabing pagdinig, tiniyak ni DSWD Sec. Erwin Tulfo na ang pondo ng ahensya para sa 2023 ay gagamitin para sa pagtulong sa mga mahihirap, marginalized, at disadvantaged sectors.

Malaking bahagi ng pondo ng DSWD sa susunod na taon ay ilalaan sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, Social Pension for Indigent Senior Citizens, at sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *