Pag-blacklist sa PIlipinas totoong binanggit ng Chinese ambassador ayon kay Zubiri

Pag-blacklist sa PIlipinas totoong binanggit ng Chinese ambassador ayon kay Zubiri

Nanindigan si Senate President Juan Miguel Zubiri sa kaniyang pahayag na isinailalim ng China ang Pilipinas sa blacklist bilang tourist destination.

Kasunod ito ng pagsasabi ng Chinese Embassy na “misinformation” at hindi totoo na inilagay sa blacklist ang Pilipinas.

Ayon kay Zubiri, totong binanggit ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang salitang “blacklisting” nang sila ay magkita sa Senado.

Nagulat umano siya sa inilabas na pahayag ng embahada.

Mas mainam ani Zubiri na nagbigay na lamang ng paglilinaw ang embahada, kaysa sinabing “misinformation” ang nangyari, dahil nagmisulang umano siyang “Marites” na nagbigay ng maling impormasyon.

Ayon kay Zubiri, hindi lamang siya ang nag-iisang nakarinig nang sabihin ni Huang ang tungkol sa pag-blacklist sa Pilipinas.

Naroroon din aniya sina Senators Sherwin Gatchalian at Robin Padilla at iba pang staff ng senado. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *