Tulay na makapagpapabilis ng biyahe patungong Tacloban City airport sisimulan na

Tulay na makapagpapabilis ng biyahe patungong Tacloban City airport sisimulan na

Uumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng tulay na makapagpapabilis sa biyahe mula sa Tacloban City proper patungong Daniel Z. Romualdez Airport.

Ayon sa DPWH, ang Tacloban City Causeway Project ay makapagbibigay ng mas mabilis at murang pagbiyahe sa mga local at foreign travelers ng lungsod.

Sa report na isinumite ng DPWH Regional Office 8, ang P3.46-Billion project ay kapapalooban ng konstruksyon ng 4-lane road na may habang 2.56 kilometers.

Ang tulay ay lalagyan din ng hiwalay na bike lane, lalagyan ng concrete canals, sidewalks, at wave deflectors sa magkabilang panig.

Sa sandaling matapos, ang tulay ay magdudugtong sa Tacloban City Hall at Kataisan point patungong Daniel Z. Romualdez Airport sa Barangay San Jose.

Dahil dito, ang 45 minutong biyahe patungong paliparan ay magiging 10 minuto na lamang. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *