COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba – OCTA Research

COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba – OCTA Research

Mas bumaba pa ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Sa inilabas na datos ng OCTA Research, mula sa 19% noong Oct. 3 ay bumaba sa 17.3% ang positivity rate sa NCR noong Oct. 10.

Noong Martes, Oct. 11 ay nakapagtala ng 1,554 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang ng mga bagong kaso, 575 ay mula sa Metro Manila.

Ayon sa OCTA Research, sa nakalipas na mga linggo ay pababa ang trend ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa NCR.

Umaasa naman si OCTA Research fellow Dr. Guido David a magpapatuloy ang downward trend hanggang matapos ang taong 2022. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *