Signal No. 1 nakataas pa rin sa 6 na lugar sa Luzon dahil sa bagyong Maymay

Signal No. 1 nakataas pa rin sa 6 na lugar sa Luzon dahil sa bagyong Maymay

Mabagal pa rin ang kilos ng Tropical Depression Maymay habang nananatili sa Philippine Sea.

Huling namataan ng bagyo sa layong 305 kilometers East ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong southwest.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Aurora
– Nueva Ecija
– extreme northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta) kabilang ang Polillo Islands

Ayon sa PAGASA, ngayong araw makararanas ng moderate to heavy at kung minsan ay intense rains sa Cagayan at Isabela.

Light to moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Aurora.

Ayon sa PAGASA inaasahang hihina ang bagyo habang papalapit sa landmass at magiging low pressure area na lamang. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *