TINGNAN: EJ Obiena natanggap na ang resolusyon ng Kamara na nagbibigay pagkilala sa kaniyang tagumpay
Tinanggap ni Pinoy pole vaulter Ernes John “EJ” Obiena ang kopya ng House Resolution No. 10 na nagbibigay ng pagbati sa kaniya sa pagkakapanalo ng gintong medalya sa mga sinalihang kompetisyon sa Germany.
Ang resolusyon ay personal na ibinigay kay Obiena ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Kinilala ng Kamara ang tagumpay ni Obiena sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting Sa Jockrim, Germany at sa True Athletes Classics 2022 sa Leverkusen, Germany.
Kasama ding sumalubong kay Obiena sa Kamara sina Reps. Faustino Michael Carlos Dy III (5th Dist., Isabela), Yedda Marie Romualdez (Party-list, TINGOG), James “Jojo” Ang Jr. (Party-list, USWAG ILONGGO), at Jernie Jett Nisay (Party-list, PUSONG PINOY). (DDC)