DA pinaghahanda na ang mga magsasaka at mangingisda sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Maymay

DA pinaghahanda na ang mga magsasaka at mangingisda sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Maymay

Inabisuhan na ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka na maghanda sa pagtama ng Bagyong Maymay.

Sa inilabas na abiso ng DA, pinapayuhan ang mga magsasaka na anihin na ang mga mature crops upang hindi na masalanta pa ng bagyo.

Pinayuhan din silang i-secure ang kanilang seed reserves, planting materials at iba pang farm inputs sa ligtas na storage areas.

Mas mainam din kung maire-relocate ang mga farm machineries, equipment at iba pang farm tools sa mas mataas na lugar na hindi inaabot ng tubig-baha.

Kung kailangan namang maglikas ng mga alagang hayop, sinabi ng DA na dapat tiyaking may sapat na feeds at tubig para sa mga ito.

Pinayuhan naman ng DA ang mga mangingisda na magsagawa na rin ng early harvest.

Pinayuhan din silang ipagpaliban ang paglalayag lalo na sa mga lugar na nakararanas na ng malakas na hangin at alon dahil sa bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *